Artbox

The Power of Online Business

N/A Facebook Messenger Global Rank

Negosyong Pwede sa OFW, Empleyado, Housewife, Estudyante, at sa mga gustong Umasenso sa buhay...

[READ THIS]

Ang hirap pala maging OFW... Mula pag punta sa Airport, pagsakay ng Eroplano at Pagdating sa kabilang airport, walang tigil ang pagpatak ng luha dahil sa lungkot ng pagkahiwalay sa pamilya... Pero kailangan tiisin dahil kailangan mabuhay ng pamilya at ito lang ang pinakamabilis na paraan para kumita ng malaki gamit ang mga na...

Ito ang naging paniniwala ng mga magulang ko na caregiver sa america at karamihan ng kababayan natin na lumilipad sa ibang bansa para kumita ng pera, mahirap daw kasi kumuha ng trabaho dito sa Pilipinas na may magandang sweldo pag hindi mataas ang pinag aralan mo.

Ako nga po pala si Jens, isa po akong anak ng OFW at kung binabasa mo ito, malamang ay isa kang OFW. Aaminin ko sobrang hirap ang mahiwalay sa mga magulang, tulad ng hirap ninyo mahiwalay sa mga anak ninyo. Ang hirap makipag video call na kailangan ang pinapakita mo ay masaya mong mukha pero sa loob mo ay gustong gusto mo na umiyak at yakapin ang anak or magulang mo. Kaya naman madami sa mga nag aabroad ang talagang nag iipon para makapag for good na dito sa Pilipinas. Pero kadamihan ay wala din maitabi dahil ang totoo, sa tuwing umuuwi ka pabalik sa Pinas ay nandyan ang mga utang na kailangan bayaran, mga tao na umaasa sa pasalubong, at mga kamag-anak na hihiram ng pera. Kadalasan ay nauubos ang naipon at walang choice kung hindi bumalik nanaman sa pag aabroad.

Tulad ng mga magulang ko, ilang taon na lang ay titigil na sa trabaho pero wala pa ding malaking naiipon para sa pag reretiro. Paulit ulit na problema dahil alam naman natin na ang gastos ay hindi tumitigil. Maya't maya may kailangan bilhin at maya't maya kailangan magpadala.

Nakita ko itong ganitong buhay at ayaw kong mangyari sakin ito at maramdaman din ng mga anak ko ang hirap ng walang magulang na mayayakap sa tuwing oras ng kalungkutan. Aminin mo kabayan, hindi sapat ang VIDEO CALL or VOICE CALL para damayan mo ang anak mo na may problema sa eskwela, broken hearted, natalo sa competition or ano pa mang problema nila. Dahil ako alam ko iba pa din ang yakap ng magulang. Kaya sinabi ko sa sarili ko HINDI AKO MAG-AABROAD! Dahil naniniwala ako na ang pera ay kayang kitain pero ang ORAS ay NEVER NA MAIBABALIK. Isipin mo yun binibigay mo yung oras mo sa Amo or sa Boss mo na dapat binibigay mo sa pamilya mo.

Pero paano ako kikita ng pera? Yan ang unang tinanong ko sa sarili ko, nagresearch ako, naghanap, nagpuyat, nag-aral para malaman kung bakit may mga tao na kumikita ng malaki kahit hindi nagtatrabaho, kung bakit HIGHSCHOOL or UNDER-GRAD lang ang tinapos eh nakakabili ng bahay at kotse. Hanggang sa lahat ng nabasa at napanood ko ay sinasabi na ang mga successful na tao ay nagbago ang buhay dahil naglakas loob mag negosyo at nagsikap para maitayo ang negosyo nila.

Ang sabi nga nila, kung gusto mo magbago yung buhay at kinikita mo, dapat baguhin mo ang idea at diskarte mo sa larangan ng pagkita ng pera. Kasi kung yun at yun pa din ang gagawin mo, yun at yun pa din ang buhay mo. Kahit ilang taon mo pa gawin yan eh ganon pa din, yun nga lang tumatanda ka at humihina. Nag decide ako ngayon na sumama sa mga ONLINE GROUPS na nagtuturo paano magsimula ng negosyo online, naghanap ng mga Mentors at Coaches. Sabi kasi ng Tito kong negosyante, SAMAHAN MO YUNG TAONG TUTULUNGAN KA HINDI YUNG GAGAMITIN KA LANG.

Hanggang sa matuto ako at nagsimulang magnegosyo sa ONLINE, kumikita at unti-unting nababago ang buhay. Hindi na din ako nagtatrabaho at kasama ko ang Asawa at mga anak ko araw-araw. Ito din ang gusto kong maramdaman ninyo araw-araw dahil masakit sa akin na merong pamilyang nahihirapan dahil lang kailangan nila maghiwalay dahil sa pera..

Ngayon kung ikaw yung OFW na gusto din mabago yung buhay at dagdagan ang diskarte sa pagkita ng pera, I personally invite you to be my trainee, ituturo ko sayo kung paano ka kikita sa ONLINE sa legal na paraan at kung paano ka magkakaroon ng kumikitang negosyo dito sa Pilipinas.

Meron akong ituturo sayo na pwede mong gawin at pwede mong simulan kahit pa nandyan ka sa abroad at nagtatrabaho. Facebook at cellphone lang eh pwede mo din kitain yung kinikita ko. Ganito na ngayon, kailangan natin tanggapin na lahat ng bagay nag uupgrade at sa maniwala ka at hindi, napakadaming yumaman sa ONLINE WORLD. Gawin mo ito para sa pamilya dahil ikaw alam mo mismo na darating yung point eh titigilan mo ang pagiging OFW. Maraming maraming salamat sa oras at sa pagbabasa. Simulan nating ang pagbabago

Kung interisado ka, just message me sayingvTEACH ME HOW or PAANO ANG DISKARTE?. SHARE mo na din para may ibang maka-kita.

Chat  on Messenger  on Messenger

Need a chatbot for your business?

Explore ManyChat chatbot templates for Messenger on the Botmakers marketplace

Vote for The Power of Online Business